Showing posts with label tula. Show all posts
Showing posts with label tula. Show all posts

Wednesday, June 10, 2020

ako'y tutula

Sabi nila manunulat daw ako
Sabi nila magandaw daw mga tula ko
Sabi nila bakit daw ayaw kong ipabigkas
ang nilalaman ng puso ko
Sabi nila puro nalang ako pagtatago
Wala ng alam kungdi ang umupo
Paano daw uunsad ang pusong umiibig
kungdi ko pagsisigawan sa kanya
Tiningnan ko sila sabay ng paglingon ko sa iyo
Ngumiti na parang sira
Alam na niya, sa sobrang alam niya hindi niya kinaya
Kaya eto KAMI NA
Itinaas ang singsing na kanyang binigay
At lumapit ka at ako'y hinagkan
Parang telenobela diba
Ang akala mo di maari
Sa dulo ng iyong paghihintay
Pwede palang mangyari :D

Friday, December 1, 2017

Jeepney

Jeepney

Sabi nila malapit ka ng lumisan
Sabi nila unti-unti ika’y pilit na kakalimutan
Paano na ang mga alaala na iyong ibinahagi
Sa mga panahong iyong inilagi

Paslit pa lamang nung una kitang nasilayan
Tuwang-tuwa sa bawat pag-abot ng bayad
Na parang maliit na konduktor kung umasta
Sinasabayan ang pagyugyug ng metal na sasakyan

Ang mga mahika ng pag-guhit sa iyong gilid
Ang mga palamuting “gawang pinoy” ang nakasabit
Ang mga rosaryo na gumagabay sa iyong pagkalakbay
At ang nag-iisang KABAYO sa harap na laging nakaagapay

Ang mga nakakatuwang mga karatula
Na di mo alam kung nang-iinis
O sadyang pampapawi lamang ng pagod sa buong magdamag
“Hatak mo, Stop Ko!, Basta Seksi Libre, Bayad muna BAGO TULOG, God Knows Judas not pay”

Bitbit mo ang karanasan ng aking pagkaestudyante
Ang mga mala biyaheng langit mong patakbo
Sabay ng tugtugan na mga hugot song na El Bimbo
“Aba kumapit ka baka ika’y tumilapon”

Ang pilit mong pagsiksik sa “LIMA PA KASYA”
kahit na hindi mo na mai-upo ang pwet mo
Sige siksik pa, kahit na nakasabit ka lamang sa hawakan
At ang mga paa mo’y manhid na sa bigat ng iyong katawan

May mga oras naman na ang takbo ni manong tsuper kasing bagal ng pagong
Minsan pa’y nasasagap mo na ang chismisan sa katabi mo
At ang ibat-ibang amoy at bitbitin ng ibang pasahero nakasalamuha mo
Wala ka parin sa kinaroroonan mo

At ngayon, nagtatalo ang lahat at ika’y bibitawan na
Mga alaala ng nakaraan pilit ng tinatangal
Paano na ang mga umaasa sa iyong pag-takbo
Bukas ika’y wala na at papalitan na ng bago

Ikaw ang simbolo ng bawat Pilipino
Kahit na maliit at metalica,
ika’y nakikipagsabayan sa laki ng mga train to BUSan
hindi nagpapaawat kahit na mundo makabago na

walang kupas ang tirada
Ang nag-iisang JEEP ng masa
Isang masigabong palakpakan
sa nag-iisang Hari ng kalsada



Friday, October 6, 2017

ANG BUWAN by janine kaye


Nakakatuwang titigan ang iyong ganda
Wangis mo’y parang diamanteng umiilaw sa madilim kong nakaraan
Sa tuwing ika’y aking inaantay
Tanaw ko sa malayo ang matamis mong pagbabantay
Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman
Pero pag ika’y nandyan taglay ko ang sayang di ko maintindihan
Masaya ako sa mga oras na ika’y aking natatanaw
Dahil alam kong ako’y may ilaw sa mga gabing aking dadaanan
Sa bawat aking pagtingala
Dama ko ang iyong pagkalinga
Di ko malilimutan ang mga ngiting iyong naibigay
Kahit na nung ako’y musmos pa lamang
Kaya’t ako’y nalulungkot pag di ka nasisilayan
Dahil alam kong tinatago mo ang lungkot sa iyong paligid
Na kahit pinipilit mong lumapit
Tayong dalawa ay di magkakalapit
Kaya mahal kong buwan
Sa mga oras na ako’y nakatingala
Wag ka sanang mapagod sa mga bulong kong walang kakupaskupas
Dahil ako’y laging maghihintay
Sa bawat minutong ikay lilitaw


Monday, August 22, 2016

TULA! by Janine Kaye

Alas kwatro ng tanghali
Minulat mo ang iyong mga mata
Mula sa isang buong gabing pagkabihag
Sa mundong nais mong galawan.

Na sana marating mo na
Pinagmamamasdan ang mga ukit sa itaas
Na parang ang bagal ng oras
Pero eto ka nakatingala sa iyong pangarap

Minsan naisip mo sana may kapangyarihan ako
Ng marating ko lahat ng ninanais ko
Araw-araw, paulit-ulit
Sana merong lakas na bumangon mula sa pagkahimbing

Umupo ka sa madilim na sulok ng paligid
Ang mga liwanag ay kumukutitap
Kasama mo ang iyong alaga
Pareho kaung nakikinig sa agos ng buhay

Nakakatawang isipin
Na ang musmos mong isip
Ngaun ay malaya ng hinanahanap ang lawak ng mundo
Nakakatakot pero eto ka natatawa lamang....

Nagbuntong hininga ka
Kumuha ng halakhak
Kelangan kong tumayo dito sa aking pagkalugmok
Umalis at tahakin ang mundong aking pangarap

Alas kwatro ng tanghali
Umulit nanaman ang tadhana
San ba pupunta?
Ang tanong... San mo ba gusto pumunta..............

Featured Post

26 things I have learned in Life and in achieving my dreams

Happy Birthday To ME!! Feelings about being 26, well not that much, I still feel the same but this time I am a little bit of “gigil” in d...