Friday, October 6, 2017

ANG BUWAN by janine kaye


Nakakatuwang titigan ang iyong ganda
Wangis mo’y parang diamanteng umiilaw sa madilim kong nakaraan
Sa tuwing ika’y aking inaantay
Tanaw ko sa malayo ang matamis mong pagbabantay
Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman
Pero pag ika’y nandyan taglay ko ang sayang di ko maintindihan
Masaya ako sa mga oras na ika’y aking natatanaw
Dahil alam kong ako’y may ilaw sa mga gabing aking dadaanan
Sa bawat aking pagtingala
Dama ko ang iyong pagkalinga
Di ko malilimutan ang mga ngiting iyong naibigay
Kahit na nung ako’y musmos pa lamang
Kaya’t ako’y nalulungkot pag di ka nasisilayan
Dahil alam kong tinatago mo ang lungkot sa iyong paligid
Na kahit pinipilit mong lumapit
Tayong dalawa ay di magkakalapit
Kaya mahal kong buwan
Sa mga oras na ako’y nakatingala
Wag ka sanang mapagod sa mga bulong kong walang kakupaskupas
Dahil ako’y laging maghihintay
Sa bawat minutong ikay lilitaw


No comments:

Post a Comment