Koreana Grande
Nagsimula sa pagiging Princessa
Sa palasyong di inakalang pag-ibig matatanaw
Pilit na tinatago ang nararamdaman
Pero ang bahay natin ay lumiliit na
Madalas magtawanan sa paulit-ulit na kalokohan
Pero pag nag-away naghahablutan at naghahabulan
Bawat galaw mo ako’y napapaisip
Bat ba sa tuwing ikay’ aking napapansin
Puso ko’y tumitibok at ayaw ng tumigil
Ngiti mo pa lamang hulog na ako sa aking upuan
At eto ako ngayon nasa alapaap nakangiti na parang sira
Minsan di ko alam kung ako ba’y nasa isang panaginip
O sadyang ako’y nakukubli sa telenovelang di mawari
Ni di nga tayo magkaintindihan ng kahit simpleng salitaan
Dahil ang ating lenguahe milya-milya pa ang pinagdadaanan
At kahit na ganun pilit ko parin iniintindi
Ang mabilis mong pagsasabi
Kaya pag ako’y naabutan sa sofang nakatunganga
Ay malamang sa malamang kinain na ang aking sistema
Ng nakakakilig na koreanobela
Paano ba makakaalis sa walang humpay na kilig at hagikhik
No comments:
Post a Comment