Monday, August 22, 2016

TULA! by Janine Kaye

Alas kwatro ng tanghali
Minulat mo ang iyong mga mata
Mula sa isang buong gabing pagkabihag
Sa mundong nais mong galawan.

Na sana marating mo na
Pinagmamamasdan ang mga ukit sa itaas
Na parang ang bagal ng oras
Pero eto ka nakatingala sa iyong pangarap

Minsan naisip mo sana may kapangyarihan ako
Ng marating ko lahat ng ninanais ko
Araw-araw, paulit-ulit
Sana merong lakas na bumangon mula sa pagkahimbing

Umupo ka sa madilim na sulok ng paligid
Ang mga liwanag ay kumukutitap
Kasama mo ang iyong alaga
Pareho kaung nakikinig sa agos ng buhay

Nakakatawang isipin
Na ang musmos mong isip
Ngaun ay malaya ng hinanahanap ang lawak ng mundo
Nakakatakot pero eto ka natatawa lamang....

Nagbuntong hininga ka
Kumuha ng halakhak
Kelangan kong tumayo dito sa aking pagkalugmok
Umalis at tahakin ang mundong aking pangarap

Alas kwatro ng tanghali
Umulit nanaman ang tadhana
San ba pupunta?
Ang tanong... San mo ba gusto pumunta..............

No comments:

Post a Comment